^

Bansa

Bangkay nang 16 Dubai workers iuuwi ngayon

-
Nakatakdang dumating ngayong alas-9 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang labi nang 15 Pinoy workers na aksidenteng nalunod sa Dubai drydocks, samantala ang bangkay naman nang isa pa ay idederetso sa kanyang bayan sa Cebu City.

Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Wilhelm Soriano na darating si Pangulong Arroyo upang salubungin ang mga labi ng mga Pinoy workers at para na rin personal na makidalamhati sa mga naulilang pamilya.

Tiniyak ni Soriano na ipagkakaloob ng pamahalaan ang lahat ng benepisyo sa mga naulila nang 16.

Naglaan ang OWWA ng tig-P120,000 sa bawat pamilya ng mga manggagawa bukod pa sa tatanggapin ng mga ito mula sa POEA, DOLE at mula sa personal na pondo ni Pangulong Arroyo.

Idinagdag ni Soriano na bukod sa monetary assistance, magkakaloob din ang OWWA ng livelihood project sa mga anak at asawa ng mga OFWs upang maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.

Kinilala ang 16 na sina Joseph Cayaban, Florante Mercado, Rolando Romero, Jose Santos, Fernand Velasco, Arturo Rodriguez, Jose Consunji Lizo Jr., Jim Lucero, Vittorio Gustilo, Henry Sumanga, Cecilio Silang, Ermando Canlas, Henry Sanchez, Sofio Bosero, Arthur Pullido at Marcelino Sumagang na dadalhin ang labi sa Cebu. (Ulat nina Butch Quejada at Rose Tamayo)

vuukle comment

ARTHUR PULLIDO

ARTURO RODRIGUEZ

BUTCH QUEJADA

CEBU CITY

CECILIO SILANG

ERMANDO CANLAS

FERNAND VELASCO

FLORANTE MERCADO

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with