DECS official 'kinarne' ng Abu
April 3, 2002 | 12:00am
Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang school supervisor ng Department of Education matapos itong tadtarin ng taga hanggang sa mapatay ng isang grupo ng mga pinaghihinalaang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na tinanggihan niyang papasukin sa kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa Jolo, Sulu.
Halos nagkaputul-putol ang katawan ng biktima na kinilalang si Abdusador Asali, DECS school supervisor sa Jolo District II at residente ng Kasulutan Village, Busbus, Jolo.
Napag-alaman na dakong alas-11:15 ng gabi nitong Lunes ay kasalukuyan umanong inaayos ng biktima ang kanyang higaan para matulog nang bigla itong gulantangin ng malakas na kalabugan nang puwersahang pasukin ng mga bandido ang kanyang tahanan.
Sinabi umano ng mga suspek na magtatago lamang sila sa tahanan ng biktima matapos mamataan ang presensiya ng tumutugis na mga sundalo pero hindi pumayag ang biktima.
Dahil dito, nagwala ang mga bandido at pinagtataga ito kung saan hindi pa nakuntento ay pinagbabaril pa ang biktima bago tuluyang nagsitakas.
Mabilis na nagresponde ang militar at hinabol ang grupo ng mga bandido bunsod upang magkaroon ng maikling palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.
Sa nasabing insidente ay isang di pa nakikilalang bandido ang napaslang habang pinaniniwalaang marami pa sa mga kasamahan nito ang nasugatan.
Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operations ng mga elemento ng pamahalaan laban sa mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended