^

Bansa

11 Abu Sayyaf nasakote

-
Labing-isang pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang naaresto ng mga operatiba ng pamahalaan sa isinagawang raid sa safehouse ng mga ito sa Zamboanga City, kahapon ng madaling araw.

Sa isang phone interview, sinabi ni Capt. Noel Detoyato, AFP-Southcom Spokesman for Operations na bandang alas-3 ng madaling araw ng masukol ang mga bandido sa Sta. Catalina Riojundo nasabing lungsod.

Gayunman, tumanggi si Detoyato na tukuyin ang mga pangalan ng mga bandido dahil baka mabulilyaso ang isinasagawa nilang dragnet operations laban sa iba pang miyembro ng mga bandido.

‘‘We will reveal the names of the suspects in due time para di ma-jeopardize ’yung operations natin dun sa iba pang ASG,’’, ani Detoyato.

Ang nasakoteng 11 ASG ay pinaniniwalaang pumuslit sa Basilan matapos na maramdaman ang matinding military pressure laban sa bandidong grupo na patuloy na bumibihag sa nalalabi pang hostages na sina American couple Martin at Gracia Burnham gayundin ang Filipina nurse na si Deborah Yap.

Nasamsam mula sa mga suspek ang limang engine speed boat, isang M16 rifle, isang M14 rifle at isang grenade.

Napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang militar hinggil sa presensiya ng mga suspek sa nasabing lugar.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang magkakasanib na elemento ng Phil. Marines, Navy Special Warfare Group at PNP na nagresulta sa pagkakalambat sa mga suspek.

Kasalukuyan pang sumasailalim sa masusing interrogation ang mga naarestong bandido. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

CATALINA RIOJUNDO

DEBORAH YAP

DETOYATO

GRACIA BURNHAM

JOY CANTOS

NAVY SPECIAL WARFARE GROUP

NOEL DETOYATO

SOUTHCOM SPOKESMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with