Nabatid mula sa isang mapagkakatiwalaang impormante, nakalusot si Ogami palabas ng Pilipinas, itoy dahil na rin umano sa hindi agad nasampahan ng kaukulang kaso sa mababang hukuman ang naturang negosyante.
Si Ogami, kasama ang Hapon at pitong negosyanteng Pinoy ay hindi pinayagang makalabas ng bansa bunsod ng kasong kriminal na isinampa ng Bangko Sentral ng Pilipinas laban sa Unitrust Development Bank (UDB) dahil sa pagdedeklara ng bank holiday noong Nobyembre 2001 at kawalan ng abilidad na bayaran ang mga depositors at creditors nito.
Napag-alaman na P63.5M lamang ang liquid assets ng UDB habang ang utang ay umaabot nang P284.9M. (Ulat ni Grace Amargo)