Ang tinutukoy ni Golez ay sina Partylist Congresswoman Etta Rosales, Prof. Walden Bello at Prof. Roland Simbulan na anyay kilalang mga anti-US.
Sinabi ni Golez na kinukuwestiyon ng tatlo ang pakikialam daw ng mga Amerikano sa panloob na problema ng bansa sa pamamagitan ng Balikatan 02-1 pero ang pagpasok anya sa bansa ng mga dayuhan sa ilalim ng tinatawag nilang International Peace Mission na galing sa Scandinavia, Europe at Japan para magsiyasat ay hindi nila tinatawag na "foreign intervention."
Ayon kay Golez, kung ang mga Pilipino ang pupunta sa Japan, Norway o kayay mga bansa sa Scandinavia para mag-imbestiga, sa palagay niya sa paliparan pa lamang ay sisipain na ang grupong ito ng mga Pinoy.
Dahil dito iminungkahi ni Golez na repasuhin na ng mga awtoridad ang pagiging "hospitable" ng mga Pilipino.
Ang ganito anya ay nakapagbibigay demoralisyon sa mga sundalo dahil sila pa mismo ang pasimuno sa "military bashing."
Ang dapat umanong gawin ng grupong dayuhan ay puntahan ang mga Abu Sayyaf sa Basilan at imbestigahan ang ginagawa nilang terorismo. (Ulat ni Lilia Tolentino)