Hold departure order vs Ogami, 10 pa ipinalabas
March 27, 2002 | 12:00am
Nagpalabas na kahapon ang Department of Justice (DOJ) ng Hold Departure Order laban sa kontrobersiyal na Japanese businessman na si Genta Ogami, tatlo pang kasamahang Hapon at pitong negosyanteng Pinoy.
Sa dalawang pahinang kautusan ni Justice Secretary Hernando Perez, sinabi nito na inatasan na niya ang Bureau of Immigration na isama ang pangalan nina Ogami at mga kasamahang sina Winefredo Capilitan; Jose Apolinario Jr.; Daniel Quilatan; Elmer Magpantay; Marcelo Vasquez Jr.; Motohiko Hagisaka; Fujimori Tada; Hiyoshi Haneda; Evelyn Mansit at Lorena Oba.
Ang hold order ay upang patuloy na maproteksiyunan ang mga depositors at creditors ng Unitrust Development Bank (UDB) at para mapigilang matakasan ng mga responsableng UDB directors, officers at stockholders ang criminal investigation at prosecution ng mga kasong iniharap laban sa kanila.
Magugunita na isinampa ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa DOJ ang kasong kriminal laban kina Ogami at sa mga kasamahan nito.
Pinagbawalan din ng BSP ang UDB na patuloy na magsagawa ng transaksiyon sa bansa dahil sa kawalan nito ng abilidad na bayaran ang mga depositors at creditors nito dahil na rin sa pagdedeklara ng bank holiday noong Nobyembre 2001.
Sa pinakahuling ulat, nabatid na tanging P63.5M lamang ang liquid assets ng UDB habang ang utang naman nito ay nagkakahalaga ng P284.9M.
Kinumpirma pa rin ng BSP na hindi papayagan ng UDB ang mga depositors nito na makapasok sa nasabing bangko dahil patuloy pa rin na bumababa ang halaga ng assets nito na siyang lalong nakapagpapabigat sa kaso nito. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended