^

Bansa

GMA umaming nanliligaw sa masa

-
Inamin ni Pangulong Arroyo na nililigawan nga niya ang sambayanang Pilipino na suportahan ang lahat na programang isinusulong ng kanyang administrasyon at ito naman ay talagang responsibilidad ng isang Presidente.

Sa kanyang palatuntunang "Panawagan ng Pangulo," sinabi ng Presidente na walang katotohanan ang bintang na nanligaw lang siya sa ilang partikular na grupo tulad ng El Shaddai at piling mga artista.

"Ever since I came to know about El Shaddai mga 1993, talagang taun-taon ay dumadalo ako. In fact, usually nga mga three times a year ay pumupunta ako," pahayag ng Pangulo.

Sinabi rin ng Pangulo na ang mga artistang tulad nina Lipa City Mayor Vilma Santos, Nora Aunor at Rossana Roces ay hindi niya niligawan kundi boluntaryo na nagsabi sa kanyang gusto nilang tumulong sa kanyang mga programa.

Isasama ng Pangulo ang mga artistang ito sa Kalahi Caravan, isang komprehensibong paghahatid ng mga serbisyong panlipunan sa mga maralitang komunidad sa Metro Manila at karatig lalawigan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

EL SHADDAI

INAMIN

KALAHI CARAVAN

LILIA TOLENTINO

LIPA CITY MAYOR VILMA SANTOS

METRO MANILA

NORA AUNOR

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ROSSANA ROCES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with