^

Bansa

Ceasefire hirit ng Sayyaf kapalit ng bihag na Pinay nurse

-
Humihingi na umano ng ceasefire ang Abu Sayyaf Group (ASG) at safe passage para maipagamot ang sugatan nilang kumander na si Bakal Hapilon at mga kasamahang bandido at kapalit nito ay ang pagpapalaya sa bihag nilang Pinay nurse na si Deborah Yap.

Si Bakal ay nagpadala kahapon ng isang mensahe sa AFP sa pamamagitan ng isang sibilyan na humihiling na itigil muna ang operasyon sa Basilan upang siya ay makapagpagamot.

Kasabay ng nasabing apela, nagpadala rin ng surrender feeler sa militar ang pamilya ni Bakal dahil nasa kritikal na kondisyon umano ito dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Si Bakal Hapilon, nakababatang kapatid ni ASG Commander Isnilon Hapilon ay nasugatan sa pakikipag-engkuwentro sa tropa ng 1st Scout Ranger Company nitong nakalipas na Sabado matapos na makubkob ng mga sundalo ang isang kampo ng Abu Sayyaf sa Lantawan, Basilan. Limang bandido ang napatay sa gunbattle na ito.

Nakasaad sa mensahe na sa sandaling ideklara ang ceasefire, ang bihag nilang nurse na si Deborah Yap ay pakakawalan at papayagan si Bakal Hapilon na madala sa pagamutan.

Pero ibinasura ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Roy Cimatu ang apela ni Bakal at isang mensahe naman ang ipinaabot ni Cimatu kay Bakal na umano’y malaya naman itong makakapagpagamot sa Southcom military hospital subalit pagkatapos ng gamutan ay tuluyan siyang aarestuhin upang panagutan ang kanyang mga atraso sa batas.

Ayon kay Cimatu, tumanggap ng tawag sa telepono ang mga field commanders ng militar sa Basilan mula sa mga ka-pamilya ni Bakal at ipinapaabot na handang makipag-usap ang grupo ni Bakal sa pamahalaan.

Humihingi rin ng safe conduct pass kay Cimatu ang pamilya ni Bakal upang di magalaw ng militar sakaling mapagamot ang naturang rebeldeng kumander.

Iginiit ni Cimatu na kailanma’y di magkakaroon ng tigil-putukan sa Lantawan at iba pang bahagi ng Basilan. Hindi anya nila maaaring pagbigyan ang mga bandido. Kung gusto anya ng Sayyaf ay pakawalan ang lahat ng bihag kabilang ang mag-asawang Burnham at papayag ang militar na maipagamot si Bakal pati mga kasama nito, pero nilinaw na walang ceasefire at magpapatuloy ang military operation.

Sa kasalukuyan ayon pa sa opisyal ay patuloy ang operasyon ng kanyang mga tauhan upang iligtas ang mag-asawang Burnham at si Yap.

Nakaalerto rin ang tropa ng militar upang hadlangan ang planong paghahasik ng terorismo ng mga "suicide squad" ng mga bandidong Sayyaf upang isabotahe ang paggunita sa Mahal Na Araw sa Western Mindanao partikular sa Zamboanga City.

Ito’y kasunod ng pagkakadiskubre base sa nakalap na intelligence report ng militar hinggil sa nasabing ‘terror plot’ ng ASG na umano’y magsasagawa ng kidnapping, pananabotahe sa mga simbahan, instalasyon ng pamahalaan at pambobomba sa mga matataong lugar sa lungsod.

Maging sa mga daungan at paliparan ay nakaalerto ang mga awtoridad bilang bahagi ng precautionary measures. (Ulat nina Rose Tamayo/Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BAKAL

BAKAL HAPILON

BASILAN

BURNHAM

CIMATU

COMMANDER ISNILON HAPILON

DEBORAH YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with