Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa kanyang mensaheng binigkas sa pagdalo niya sa El Shaddai Eucharistic Celebration sa San Dionisio, Parañaque City kahapon ng madaling araw.
"Kailangang bigyan natin sila ng ibang paraan sa buhay para hindi bawal na gamot ang lilibang sa kanila," anang Pangulo.
Hiniling ni Arroyo, kay El Shaddai leader Bro. Mike Velarde na tulungan siya sa ginagawa niyang pagsisikap para makalikha ng maraming trabaho sa mamamayan, programang pabahay at murang gamot para sa mahihirap.
"Nananalig tayo bilang Anak ng Diyos na bawat isa sa atin ay may layunin na dapat gampanan para sa kaluwalhatian Niya at ng Kanyang kaharian. Nananalig din tayo bilang Pilipino na may mabuti at magandang tadhana na inilaan ang Diyos para sa ating bansa"pagwawakas ng Pangulo.
Ang misa ay pinangasiwaan ni Bishop Teodoro Bacani na dinaluhan ng libu-libong deboto ng El Shaddai para sa pagdiriwang ng "Linggo ng Palaspas". (Ulat ni Lilia Tolentino)