^

Bansa

2 pulis-WPD, NBI agent nagbarilan

-
Naging madugo ang dapat sana’y karaniwang police check point matapos na magkabarilan ang mga elemento ng Western Police District’s Mobile Patrol Unit at isang umano’y confidential agent ng National Bureau of Investigation sa Paco, Maynila kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the spot si Cosain Bacaraman, 39, may asawa, isa umanong NBI confidential agent, ng 1508-C G. Tuazon st., Sampaloc, Manila at kasama nitong babae na si Ailyn Iguban, 39, may asawa, Customs broker, ng Phase 5, Block 10 Lot 34 Australia st., Southville subd., Biñan, Laguna.

Samantala namatay habang isinusugod sa PGH si PO2 Allan Herrera ng WPD-DMPU.

Nasa kritikal na kalagayan naman sa Chinese General Hospital ang kasama ni Herrera na si P/Insp. Jay Baybayan.

Sa inisyal na report ng pulisya, nagpapatrulya sina Herrera at Baybayan sa kahabaan ng Quirino Avenue dakong alas-12:15 ng madaling araw sakay ng patrol car 239 ng maispatan nila ang kulay berdeng Honda CRV ni Bacaraman na walang plaka sa kanto ng Canonigo street.

Tinangkang pahintuin ng nagdudang mga pulis ang sasakyan ni Bacaraman para magsagawa ng routine inspection, subalit ayon sa report, sa halip na huminto ay pinasibad umano ng naturang agent ang sasakyan bunsod para habulin ito ng mga pulis.

Ayon pa sa report, nagawang mahabol ng mga pulis ang CRV kaya napilitan itong huminto sa Zamora st. sa harap ng house number 1620.

Sa puntong ito ay bumaba sina Herrera at Baybayan mula sa kanilang squad car at nilapitan ang sasakyan ni Bacaraman.

Habang nagsasagawa ng inspection sa driver’s license at NBI identification card ni Bacaraman ang dalawang pulis ay sunud-sunod na mga putok mula sa loob ng Honda ang umalingawngaw.

Bagaman sugatan sina Herrera at Baybayan ay nagawa ng mga itong gumanti ng putok.

Ayon sa homicide investigators, lumilitaw sa close examination sa katawan ni Iguban na ito ay binaril ng malapitan, base sa mga marka na nakuha sa gunshot wound nito sa kaliwang dibdib.

Samantala si Bacaraman na nakabulagta sa labas ng sasakyan nito ay nagtamo ng limang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinugod naman sa Chinese General Hospital si Baybayan habang si Herrera ay dead-on-arrival sa PGH sanhi ng tama sa dibdib.

Isinasailalim na sa ballistic examination ang service firearms ng dalawang pulis habang isang masusing imbestigasyon sa insidente ang inumpisahan ng homicide investigators. (Ulat ni Mike Frialde)

vuukle comment

AILYN IGUBAN

ALLAN HERRERA

AYON

BACARAMAN

BAYBAYAN

C G

CHINESE GENERAL HOSPITAL

COSAIN BACARAMAN

HERRERA

JAY BAYBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with