Ito ang pahayag ni Cayetano, bilang reaksyon sa sinasabi ni Senate President Pro-Tempore Manuel Villar na wala pa sa isip niya at ng iba pang miyembro ng majority bloc ang pagpapalit ng Senate President.
Sinabi ni Villar, hindi pa nila napag-uusapan sa mayorya ang pag-upo ni Cayetano at gagawin lang aniya nila ito pagdating ng tamang panahon.
Gayunman, sinabi ni Cayetano hindi siya nangangamba na hindi matutupad ang napagkasunduan nila ni Drilon dahil may commitment anya sa kanya ang 12 senators mula sa mayorya. Tiwala siya na hindi maantala ang kanyang pag-upo dahil kagalang-galang at maasahan naman ang mayorya.
Matatandaan na napagkasunduan nina Drilon at Cayetano na hahatiin nila ang pamumuno sa 12th Congress.
Ayon sa napagkasunduan, unang uupo si Drilon hanggang sa Disyembre 2002 at susunod sa kanya si Cayetano. Bawat isa sa kanila ay uupo bilang Senate President ng 18 buwan.
Napag-alaman na nagkaroon ng term-sharing ang dalawa matapos na magkaroon ng problema noong botohan pa lamang sa Senate Presidency dahil parehong gusto nilang dalawa ang maging pangulo. (Ulat ni Rudy Andal)