Santiago kapalit ni delos Santos sa PA
March 21, 2002 | 12:00am
Si Visayas Command Chief Major General Dionisio Santiago ang siyang susunod na magiging pinuno ng Philippine Army kapalit ni Lt. General Jaime delos Santos, pahayag ni Pangulong Arroyo kahapon.
Ayon kay Arroyo, si delos Santos ay nakatakda nang magretiro sa Abril 2, 2002.
Sinabi ng Pangulo na kuwalipikado si Santiago bilang Army chief dahil mahusay siya, nirerespeto siya ng mga kasamahan niya at higit sa lahat, tapat sa tungkulin.
Si Santiago ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 70 at dating commander ng Task Force Libra na nagbigay seguridad sa buong Metro-Manila noong maganap ang EDSA 3. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 11 hours ago
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Ludy Bermudo | 11 hours ago
Recommended