Ayon kay Oreta, makikita ang ganitong pananaw sa naitalang kita ng Petron corporation na umabot sa P1.22 billion halaga ang kinita noong 2001 na siyang malinaw na katibayan na pangunahing benipisaryo ang nasabing kompanya kasama ang Caltex at Shell, sa global economic crisis.
Sinabi ni Oreta na nagkamal ng multi-billion kita ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis sa pamamagitan ng mataas na pump prices ng petrolyo sa kabila ng pagbabawas ng halaga nito at demand sa crude oil.
"Base sa record earnings ng tatlong oil giants dapat nang ibasura nito ang mahinang paliwanag sa pagtataas ng presyo ng langis dahil sinisipsip na nila ang dugo ng mga consumers sa bansa noong nakaraan taon sa pagpataw ng bagong presyo sa kabila ng pagbagsak ng presyo ng krudo sanhi ng pandaigdigang kahinaan sa ekonomiya," ani Oreta.
Base sa ulat, umaabot sa P1.22 billion ang kinita ng Petron noong 2001 isang dramatikong pagbabago mula sa pagkalugi ng 2000 sa halagang 1.1 billion kahit pa bumagsak ang domestic sale sa 2% o isang milyong bariles tungo sa 41.3 milyong bariles sa nasabing panahon.
"The oil giants claims that they have jack-up prices to cut their losses in hogwash," ani Oreta. (Ulat ni Rudy Andal)