Ang hakbang ay ginawa ni Lastimoso dahil sa pagkabigo ni Jacobo na ilabas at ipaskil ng huli ang listahan ng mga accredited DTC para sa kaalaman ng mga motorista.
Nabatid na may halos dalawang linggo na ang nakararaan nang ipangako ni Jacobo na ipalalabas ang nabanggit na talaan subalit hanggang sa kasalukuyan, bigo pa ring isagawa ang pangakong listahan ng mga legal DTCs.
Binigyang-diin ni Lastimoso na mahalagang malaman ng mga motorista ang mga legal DTC operators dahil hindi tatanggapin ng LTO and drug test result na galing sa hindi lehitimong drug testing centers.
Nagalit umano si Lastimoso nang malaman na ilan pa ring mga tauhan sa LTO ay pumapayag na mag-operate ang mga ilegal drug testing operators kapalit ng malaking halaga ng "grease money".
Ilan sa mga district officials ang sinuspinde sa tungkulin dulot ng pagtanggap ng lagay mula sa mga kakutsabang DTCs.
Ang mga illegal DTCs ay sinasabing wala pa ring surety bonds mula sa GSIS na may halagang P500,000 PRISM Information Technology code at walang branches nationwide. (Ulat ni Angie dela Cruz)