^

Bansa

GMA naghahanap na ng kapalit ni Benipayo

-
Naghahanap na si Pangulong Arroyo ng bagong Commission on Elections (Comelec) chairman kapalit ni Alfredo Benipayo bunsod na rin ng payo ng mga pro-administration members sa Kongreso.

At kahit muling nagpalabas ang Pangulo ng appointment kay Benipayo kasama ang dalawa nitong commissioner na sina Resurreccion Borra at Florentino Tuazon na kapwa rin na-by passed, ito ay para bigyan lamang umano ng pagkakataon na matuloy ang confirmation hearing.

Napag-alaman sa isang source sa Palasyo na tumangging magpabanggit ng pangalan na seryosong ikinokonsidera ng Pangulo ang mga pagtutol sa kumpirmasyon ni Benipayo.

"The objections against Benipayo were coming from within the administration side already and the President has seriously taken note of that," sabi ng source.

Nauna rito ay pinayuhan ni Senate President Franklin Drilon ang Pangulo na pag-isipan ang suporta nito kay Benipayo dahil masyado nang seryoso ang mga objections laban sa Comelec chief.

Nadagdag sa mga tutol sina pro-administration Sen. Renato Cayetano at Surigao del Norte Rep. Prospero Pichay.

Nag-isyu rin ang Pangulo ng re-appointment kina Transportation and Communication Sec. Pantaleon Alvarez at Environment and Natural Resources Sec. Heherson Alvarez na parehong hindi pa nakakapasa sa CA.

Sinabi ng Pangulo na gagawa siya ng pagsisikap para pakialaman na ang iringan ng mga opisyal ng Comelec at masolusyonan ang pagbabatuhan ng akusasyon.

Takda nitong pulungin ang apat na Comelec commissioner para pakinggan ang kanilang masasabi at hanapan ng paraan na maging maayos ang pagdaraos ng barangay election sa July. (Ulat nina Marichu Villanueva/Lilia Tolentino)

vuukle comment

ALFREDO BENIPAYO

BENIPAYO

COMELEC

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES SEC

FLORENTINO TUAZON

HEHERSON ALVAREZ

LILIA TOLENTINO

MARICHU VILLANUEVA

NORTE REP

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with