Sinabi ni Oreta, kinakailangan agad na isapubliko ng CHED ang nasabing listahan upang sa gayon ay magkakaroon ng pagkakataong lumipat ng paaralan ang mga estudyanteng kapos sa salapi sa darating na pasukan.
Ayon kay Oreta, kung hindi agad ilalabas ng CHED ang listahan ng mga eskuwelahan magtataas ng tuition fees ay lalong lolobo ang drop-out rate ng mga mag-aaral sa bansa dahil marami sa kanila ang mapipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kawalan o kakapusan ng salapi sa halip na magkaroon ng pagkakatong piliin ang paaralang kakayanin ng kanilang bulsa.
Reaksyon ito ni Oreta, matapos na idahilan umano ng CHED na hindi pa nila mailalabas ang listahan dahil hindi pa kumpleto ang talaan ng mga paaralang magtataas ng tuition fees. (Ulat ni Rudy Andal)