Benipayo pinayuhan na magbitiw sa Comelec
March 18, 2002 | 12:00am
Pinayuhan ni Presidential publicist Dante Ang si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Alfredo Benipayo na boluntaryo nang magbitiw sa puwesto para maging magaan sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagbibigay solusyon sa kasalukuyang iringan sa COMELEC.
Ang payo ay ginawa ni Ang sa palatuntunang Tell the People kasunod nang ilang nang ulit na pagkabigo nitong pumasa sa Commission on Appointments at pagkabigo rin ng mga lider ng Kongreso na mapagkasundo ang mga paksiyong nag-iiringan sa COMELEC.
Sinabi ni Ang, kung kusang magbibitiw si Benipayo sa posisyon at muli pa siyang itatalaga ng Pangulo sa puwesto ay nangangahulugang lamang ito na talagang hindi nais ng Pangulo na tanggalin siya sa kanyang tanggapan.
Muling na by pass si Benipayo ng CA sa pagtatapos ng sesyon nito para sa bakasyong pang-Semana Santa.
Gayunman, itinanggi ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na dinadaga na ang kanyang dibdib sa nerbiyos sa pagharap sa CA sa sandaling iharap na ni Arroyo ang kanyang nominasyon bilang Press Secretary.
Sinabi ni Tiglao, buo ang kanyang tiwala sa mga Kongresista at Senador na miyembro ng CA na bibigyan nila ng timbang ang kanyang mga kuwalipikasyon sa bagong puwesto.
Reaksyon ito ni Tiglao sa nalathalang ulat na napasambit siya ng patay kang bata ka nang mabatid na si Senador Panfilo Lacson ay makakabilang sa miyembro ng CA sa susunod na regular na sesyon ng Kongreso kapalit ni Sen. Tito Sotto.
Samantala, ipinagdiriwang ngayon ng Office of the President ang ika-105 anibersaryo bilang sentrong tanggapan ng gobyerno nasyunal.
Ayon kay Presidential Assistant for Education Mona Valisno, ang paksang diwa ng pagdiriwang ay "Malakanyang: Isang Pambansang Simbolo ng paglilingkod at Liderato." (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest