3 Indon terrorists dinakma sa NAIA
March 16, 2002 | 12:00am
Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at Immigration bureau sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong hinihinalang Indonesian terrorist habang papasakay ng eroplano.
Kinilala ng pulisya sina Agus Dwikarna, civil engineer; Abdul Jamal Balfas at Tamsil Linrung, sinasabing mga kasapi ng Jemaah Islamiya na may kaugnayan umano sa al-Qaida international network ni Osama bin Laden.
Lumilitaw sa report ng Camp Crame na paalis na ng bansa noong Miyerkules dakong 8:30 ng gabi patungong Bangkok, Thailand ang tatlong suspek ng harangin ng mga awtoridad sa IPT departure gate 1 ng NAIA matapos na makitaan ang kanilang bagahe ng mga components o kagamitan sa paggawa ng explosives.
Sa tactical interrogation, inamin ni Dwikarna na siya ang lider ng Dewan Dakwah Islamiyah Indonesia of Indonesian Islamic Disaster Committee Sulawesi Center.
Inamin din nito na siya ang ika-apat na opisyal ng Madjalis Mujahideed Indonesia na itinatag ni Jemaah Islamiya Abubakar Baasyir. Ang naturang grupo umano ay isang lehitimong political group. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest