Bunga nito, lalo nang lumabo ang tsansa ni Benipayo na makumpirma pa matapos hindi makapasa sa ika-anim na pagkakataon noong nakaraang Lunes.
Ayon kay Sen. Tessie Aquino-Oreta, head ng Commission on Appointment (CA) committee on constitutional commission and offices, dadaan sa pagsisiyasat ng CA ang umanoy extra marital affairs na ito ni Benipayo na inaasahang magpapahirap nang husto sa naturang chairman.
Bukod dito, may nabuntis din umanong estudyante si Benipayo noong nagtuturo pa ito sa UST.
Nakalkal din ang umanoy hindi pagdedeklara ng mag-asawang Benipayo sa kanilang tunay na statement of assets and liabilities kung saan ay P3,744,200.06 lamang ang idineklara gayong dapat ay P9,235,000.
Sinabi naman ni Senate President Franklin Drilon, chairman ng CA, na ang lahat ng mga report partikular ang pagsasagawa ng Background Investigation sa mga sumasailalim sa kumpirmasyon ay bahagi lamang ng proseso ng komisyon. Ang mga tungkol sa immorality ay isusumite sa nauukol na komite para pag-aralan at alamin kung may katotohanan.
Pinayuhan naman ni Sen. Gregorio Honasan si Pangulong Arroyo na maghanap na ng kapalit ni Benipayo. Huhupa lamang umano ang gusot at sigalot sa Comelec kung magtatalaga ng kapalit ni Benipayo. (Ulat ni Rudy Andal)