^

Bansa

Benipayo sumemplang uli sa CA

-
Muling nabigo sa ika-anim na pagkakataon si Comelec Chairman Alfredo Benipayo at dalawa pang commissioners nito na makuha ang kumpirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kahapon.

Sinabi ni Senator Tessie Aquino-Oreta, chairman ng CA committee on constitutional commission and offices, kinapos sa oras ang komite dahil sa dami ng oppositors na dapat dinggin ng komisyon.

Ayon kay Oreta, sa kabila ng hakbang ng mga senior political leaders na ayusin ang gusot sa pagitan ng kampo ni Benipayo at Commissioners Luzviminda Tangcangco ay hindi umurong ang grupo ni Tancangco para dumalo sa pagdinig ng CA at harangin ang kumpirmasyon nina Benipayo, Commissioners Florentino Tuason Jr. at Ressureccion Borra.

Bukod dito, kabilang sa oppositors ni Benipayo si Surigao del Norte Rep. Prospero Pichay at isang hukom mula sa regional trial court.

Sinabi ng kampo ni Tangcangco sa kanilang 18-pahinang opposition-complaint sa CA, tahasang nilabag ni Benipayo ang Saligang Batas sa maraming pagkakataon nang pamunuan nito ang Comelec.

Anila, mariin nilang tinututulan na makumpirma ang tatlo dahil sa mga ginawa nito sa komisyon partikular ang pag-aakala ni Benipayo na siya ang Comelec kaya ang lahat ng kanyang kagustuhan ay puwedeng masunod kahit hindi niya kinokonsulta ang Comelec en banc.

Binigyan naman ng 15 araw ng mga senior political leaders ang mga commissioners para ayusin ang kanilang gusot dahil lubhang maapektuhan nito ang nakatakdang synchronized elections ng barangay at SK sa darating na July 15. (Ulat ni Rudy Andal)

BENIPAYO

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

COMMISSIONERS FLORENTINO TUASON JR.

COMMISSIONERS LUZVIMINDA TANGCANGCO

NORTE REP

PROSPERO PICHAY

RESSURECCION BORRA

RUDY ANDAL

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with