^

Bansa

MILF durugin na - DND

-
Pikon na ang pamahalaan sa pagyayabang ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at anumang oras ay takda na itong salakayin ng militar upang tuluyan nang madurog.

Sa pahayag kahapon ni Defense Secretary Angelo Reyes, nauubusan na ng pasensiya ang gobyerno sa MILF, ito’y kasunod ng panibagong patutsada ni Al Hadj Murad, vice chairman for military affairs ng MILF, na nakaipon na sila ng mga war materials gaya ng mga missiles at bomba at handa na ang kanilang grupo na gamitin ang mga ito laban sa gobyerno.

Ayon kay Reyes, hindi dapat nagbibitiw ng ganitong uri ng pananakot ang MILF dahil ibinabasura lamang ng pamahalaan ang kahit na anong uri ng pagbabanta.

Hindi rin umano ito makatutulong upang masolusyonan ang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at MILF at sa halip ay nakasasama pa ito sa peace process.

Tumanggi naman si Reyes na sabihing isang all-out war ang kanilang ilulunsad laban sa mga rebeldeng Muslim at sa halip ay binigyan-diin nito na hindi dapat ubusin ng mga ito ang pasensiya ni Pangulong Arroyo.

Ipinaliwanag ni Reyes na nais ng pamahalaan na lutasin ang problema sa MILF sa pamamagitan ng mapayapang paraan kaya’t kanilang binibigyang-daan ang backdoor negotiations na ipinag-utos ng Pangulo.

Subalit hindi umano nila gagawing biro ang mga kilos at pahayag ng MILF na muling nagpapalakas ng puwersa ang mga rebeldeng Muslim. Sa halip, ito ay itinuturing nilang isang paghahamon sa pamahalaan.

Tiniyak naman ni Reyes na nakahanda ang militar na tuparin ang kanilang sinumpaang tungkulin upang mabigyang proteksiyon ang mga civilian communities sa lalawigan ng Mindanao. (Ulat ni Doris Fanche)

vuukle comment

AL HADJ MURAD

AYON

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

DORIS FANCHE

IPINALIWANAG

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PANGULONG ARROYO

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with