Benipayo kinontra ni Drilon
March 11, 2002 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Senate President Franklin Drilon na isiping mabuti ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung kinakailangan pa nitong muling italaga bilang chairman ng Commission on Elections si Alfredo Benipayo matapos amining hindi ito makukumpirma ng Commission on Appointments (CA) dahil sa magbabakasyon ng 3-linggo ang Kongreso simula sa Marso 15.
Sinabi ni Drilon na aminado siyang hindi matatanggap ng sambayanan na magkaroon ng paralisadong poll body lalo ngayon nalalapit ang Barangay at SK elections sa loob ng taong ito at ang national elections sa 2004.
Ginawa ni Drilon ang panawagang ito matapos magpatawag ng caucus ang mga senior political leaders kamakailan dahil gusto nitong bigyan solusyon ang namamagitang sigalot sa pagitan nina Benipayo at apat pang COMELEC Commissioners.
Nagsimula ang alitan sa COMELEC matapos italaga ni Arroyo bilang chairman si Benipayo at ang 2 Commissioners na sina Ressureccion Borra at Florentino Tuason.
Inakusahan nina Commissioners Luzviminda Tangcangco, Rufino Javier, Ralph Lantion at Mehol Sadain sa kanilang 18-pahinang opposition-complaint sa CA na hindi karapat-dapat makumpirma sina Benipayo, Borra at Tuason sa COMELEC dahil sa ilang ulit nilabag nito ang konstitusyon at administrative code ng bansa.
Siniguro ng kampo ni Tangcangco na dadalo sila sa committee hearings ng CA para sa kumpirmasyon ni Benipayo at 2 kasama nito para ihain sa komisyon ang mga karagdagang ebidensya sa mga ginawa nitong election-related violations na magdidiin lalo kay Benipayo.
Sinabi ni Drilon kung hindi kaagad mareresolba ang sigalot na ito sa COMELEC ay lubhang maapektuhan ang darating na halalan kaya dapat ay mag-isip mabuti si Pangulong Arroyo kung dapat pa bang muling italaga si Benipayo sa ganitong sitwasyon.
Inamin ni Drilon, Chairman ng CA na ang nangyayaring sigalot sa COMELEC ay magbibigay kay Benipayo ng maliit na tsansa para makalusot sa kumpirmasyon.(Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended