Abu victims nagmumulto
March 11, 2002 | 12:00am
ISABELA, Basilan Kinatatakutan umano ng mga Basileño ang mga naglipanang mga taong pugot ang ulo na madalas magpakita sa mga residente dito na hinihinalang biktima ng kalupitan ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Base sa kuwento ng mga residente sa plantasyon ng Golden Harvest Coconut sa Menzi, Lantawan, tuwing hating-gabi umano ay may lalaking pugot ang ulo ang nakikitang naglalakad sa nasabing lugar.
Halos lahat ng mga residente sa nabanggit na lugar ay nakakakita ng multong pugot ang ulo habang naglalakad ito sa masukal na sakahan.
Matagal ng usap-usapan ng mga magkakapit bahay ang multong pugot ang ulo kayat naniniwala silang baka ang mga plantation workers na sina Primitivo Falcasantos, 52 anyos, security guard at Crisanto Suela na pawang trabahador sa nasabing lugar ang siyang nagmumulto.
Sina Falcansantos at Suela ay kasama sa 24 kataong dinukot ng grupo ni Sayyaf lider Isnilun Hapilon sa nasabing lugar noong Hunyo 2 ng nakaraang taon.
Ang dalawang biktima ay pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf ilang linggo matapos silang dukutin. Itinapon ng bandidong grupo ang mga ulot katawan nito sa mga magkakahiwalay na lugar para iligaw ang mga awtoridad na tumutugis sa kanila.
Nakita ng CAFGU at ilang residente ang wala ng ulong katawan nina Falcasantos at Suela, matapos ang ilang linggo ay natagpuan naman ang naagnas na ulong pugot ng dalawa.
Ayon sa mga residente dito, sa mismong lugar nagmumulto ang ulong pugot na madalas magpakita sa kanila na parang nagmamakaawa at humihingi ng hustisya.
Gayunman, naniniwala ang mga residente dito na matitigil lamang ang pagmumulto ng mga ito kung mabibigyan ng hustisya ang sinapit nilang karumal-dumal na pagkamatay. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended