Naarestong Sayyaf leader, kinuyog ng taumbayan
March 10, 2002 | 12:00am
ISABELA, Basilan - Lupaypay na bago pakawalan ng mga galit na taumbayan dito ang isang lider ng bandidong Abu Sayyaf Group matapos kuyugin ng mabalitaan ang pagkaaresto dito ng mga awtoridad, kahapon ng hapon.
Tumanggap ng mga suntok at tadyak mula sa galit na galit na mga residente ang sinasabing isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ni Sayyaf Kumander Isnilon Hapilon na si Kanno Salihin, na kinilala ring malapit na kamag-anak ni Sayyaf leader Khadaffy Janjalani at kabilang sa mga bandidong may patong sa ulo.
Si Salihin ay nahuli sa bayan ng Maluso matapos itong inguso ng mga tauhan ni Maluso town Mayor Sakib Salajin.
Nalamog ang katawan ng nasabing bandido ng dumugin at bugbugin ng mga kaanak at pamilya ng kanilang mga naging biktima.
Ayon kay Mayor Salajin, ang sunud-sunod na pagkakaaresto sa mga miyembro ng bandido na gumagala sa kanyang lugar ay inisyatibo at dahil sa kagustuhan ng mga residente dito na tapusin na ang karumal-dumal na aktibidades ng mga Sayyaf.
Naging malakas umano ang loob ng mga residente rito dahil na rin sa ipinakitang sinseridad ng militar na tuluyan ng mapuksa ang Sayyaf at di tulad umano ng dati na nakakakuha pa ng suporta ang mga bandido sa mga residente rito.
Noong Miyerkules ay walong mga miyembro rin ng Sayyaf ang inaresto ng militar sa tulong na rin ni Mayor Salajin.
Bugbog sarado rin ang mga ito na kinilalang sina Hasan Hadjatu, Janggu Sali, Toy Hadjatu, Laila Salihin, Nuria Taib, Nalita Malli at Rubia Salihin.
Ang pagkakaaresto sa walo ay bunsod ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Danilo Bucoy ng RTC dahilan sa kasong murder o pamamaslang noong nakaraang taon sa Brgy. Nanibugan, Lantawan, Basilan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest