Kompil 2 umalma sa 'drama' ni Erap
March 9, 2002 | 12:00am
Masyado na umanong sinusubukan nina dating Pangulong Estrada, mga abogado nito at mga kasabwat ang sistema ng umiiral na hustisya sa bansa na naglalayong pag-aklasin ang publiko laban sa kasalukuyang gobyerno.
Ayon kay Teddy Lopez, spokesman ng Kompil II, malinaw na manipulasyon ang ginagawa ng kampo ng dating pangulo na matapos idismis ang kanyang mga legal counsel ay pagpapaawa epek naman kapag kinakapanayam ng media ang ginagawang drama.
Sinabi ni Lopez na seryosong krimen ang kasong plunder na walang katapat na piyansa na kahit sinumang nahaharap sa ganitong kaso ay hindi dapat palabasin ng bansa. Lalo umanong walang puwang ang exile o political immunity.
Sinabi rin ni Lopez na maraming mga espesyalistang doktor sa Pilipinas na maaaring gumamot sa lumalalang sakit sa tuhod ni Estrada kaya hindi na ito dapat pang payagang magtungo sa Amerika para magpa-knee surgery.
"Hindi namin hinahatulan ang akusado. Iyan ay trabaho na ng Sandiganbayan, ngunit naninindigan kami na kailangang gumalaw ang hustisya nang hindi pinaaandar ninuman, partikular ng akusado, kanyang mga abogado at mga kasabwat. Hayaan nating magpatuloy ang paglilitis, hayaang manaig ang batas, hayaang dumating ang pinal na hatol," pahayag pa ng grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest