^

Bansa

Sayyaf hostage umaming nagbayad ng ransom

-
Inamin kahapon nang isa sa mga kidnap victim ng grupong Abu Sayyaf na nagbayad ito ng ransom na nagkakahalaga ng P1milyon para sa kalayaan niya, kanyang anak at hipag na pawang binihag ng bandido mula sa Dos Palmas resort sa Palawan, pero binigyang-diin na walang kinalaman ang militar sa ginawa niyang pagbabayad ng ransom.

Sa pagpapatuloy ng joint committee hearing ng Senado at House, tahasang sinabi ni Buddy Recio, ama ng 6-taong-gulang na si RJ at bayaw ni Angie Montealegre, pawang Sayyaf hostages na napilitan siyang magbayad ng P1 milyong ransom kay Abu Sabaya para lamang palayain sila ng grupo.

Si Recio, editor at publisher ng Travel magazine, ang kauna-unahang kidnap victim ng Sayyaf na umaming nagbayad ng ransom para sa kanilang kalayaan kahit patuloy sa paninindigan ang Malacañang para sa no-ransom policy. Nauna itong nakawala sa Sayyaf at naiwan ang kanyang anak at hipag.

Ibinunyag rin ni Sen. Panfilo Lacson na dalawang malapit na kaibigan umano ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao ang nag-facilitate sa pagbabayad naman ng P4.7 milyon ransom para palayain ang isa pang bihag ng ASG.

Ayon kay Lacson, handang tumestigo ang isang hostage victim at dalawang kaanak nito na magpapatunay na naghatid sila ng ransom money sa Abu pero ayaw nilang tumestigo dahil sa takot sa kanilang seguridad.

Ani Lacson, tinukoy ng kanyang mga kausap na sina George Baviera at Stef Saño na pawang kaibigan umano ni Tiglao ang mismong "namagitan" para ihatid nila ang ransom money sa Abu Sayyaf.

Idinagdag ni Lacson na kung susuriing mabuti ang video footage kung saan nakikitang tumatakbo sina RJ Recio, Santos at ang bihag na si construction magnate Reghis Romero matapos umanong makatakas sa kasagsagan ng Lamitan siege ay mapapansin na naroon sina Baviera at Saño.

Matatandaang matigas sa kanyang paninindigan si Romero na hindi siya nagbayad ng ransom para sa kanyang kalayaan bagkus ay iginiit na nakatakas lamang siya kasama ang batang si RJ at Riza Santos noong kainitan ng bakbakan ng ASG at militar sa Lamitan noong Hunyo 2. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ANGIE MONTEALEGRE

ANI LACSON

BUDDY RECIO

DOS PALMAS

GEORGE BAVIERA

LACSON

RANSOM

SAYYAF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with