Mindanao niyanig ng lindol: 12 patay
March 7, 2002 | 12:00am
Labingdalawa katao na ang iniulat na namatay habang nasa 20 ang bilang ng mga sugatan makaraang yanigin ng malakas na lindol at tsunami ang buong Mindanao kahapon ng madaling araw, pero pinangangambahang tataas pa ang bilang dahil sa ulat ng pagguho ng lupa, pagbaha at mga aftershocks.
Base sa inisyal na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-5:15 ng umaga ng magsimula ang lindol na ang sentro ay nasa General Santos City na naitala sa lakas na intensity 7.6 hanggang 8. Tumagal ito nang 25 hanggang 30 segundo.
Ang pagyanig ay dulot ng paggalaw ng Cotabato trench sanhi upang magkaroon ng tsunami o tidal wave sa ilang mga bayan, pagkaputol ng linya ng kuryente, pagkawala ng komunikasyon, pagguho ng mga lupa at pagkabitak ng mga kalsada sa mga apektadong lugar ng lindol.
Ang mga lugar na nilindol ay ang Butuan City na nakapagtala ng intensity 2; Bislig, Surigao del Sur, intensity 3; Davao City, Kidapawan City at Zamboanga City, intensity 4; General Santos City, intensity 6; Koronadal, South Cotabato, 7 at Cotabato, intensity 5.
Kabilang pa sa mga naapektuhan ay ang Lake Sebu, Tiboli at Tupi sa South Cotabato; Kiamba at Maitum sa Sarangani; Tacurong City sa Sultan Kudarat at Glan sa South Cotabato.
Sa tindi ng lindol ay nabiyak ang bundok sa bahagi ng Digos at Sarangani sanhi upang magkaroon ng landslide na tumabon sa bahagi ng Digos-Davao road na ngayoy hindi na madaanan.
Kinilala ang mga nasawi na sina Gliterio Datuy, 76 at Gerovin Mandel, 14, pawang nadaganan ng hollow blocks sa Kiamba, Sarangani; Yadani Pangulina, 50, na inatake sa puso sa General Santos City; Susie Marie Dimanate, 13 at Lampi Maladan, 35, ng Lake Sebu, South Cotabato at walo pang di natukoy ang pangalan mula rin sa General Santos City.
Kabilang naman sa nasugatan ay 15 mula sa General Santos City; dalawa sa South Cotabato habang ang tatlo ay mula sa iba pang lugar na naapektuhan.
Nabatid na sinalanta ng tsunami ang bayan ng Kiamba, Sarangani at Sultan Kudarat na malapit sa karagatan ilang minuto matapos manalasa ang malakas na lindol. Umaabot sa 4,000 hanggang 5,000 katao ang inilikas sa Kiamba kaugnay ng nagbabadyang pag-apaw ng Lake Maughan.
Sa General Santos City, ang buong siyudad ay pansamantalang nawalan ng kuryente dahilan sa nagbagsakan ang mga poste dito gayundin ang ilang subdivision ay nawalan ng tubig ng bumagsak ang kanilang mga water tank. Nag-collapse ang mga dingding ng gusali ng Mindanao State University, Divine Grace Elem. School, J.P. Laurel Elem. School, GenSan PNP headquarters, Kimba Plaza at apat na hotel, isang shopping mall at isang bangko ang nabasag naman ang mga salamin at nabitak ang sahig dulot ng pagyanig ng lupa. Pansamantalang sinuspinde ang mga klase sa pampubliko at pampribadong paaralan matapos mag-crak ang mga pader ng mga gusali nito.
Sa South Cotabato, nawasak ang istruktura ng Ferry bridge sa Koronadal City, dalawang simbahan ang tuluyang gumuho sa Tupi at sa Tiboli ay napilitang magsilikas sa kanilang mga tahanan ang mga lokal na Bilaan tribesmen na naninirahan malapit sa Lake Maughan sa nasabing bayan matapos ang 24 insidente ng landslide sa paligid ng naturang lawa.
Pati mga residenteng malapit sa mga riverbanks sa bayan ng Surallah, Banga at Lake Sebu ay inabisuhan na magsilikas at humanap ng mataas na lugar na pansamantalang matirhan dahil papalakas na ang daloy ng tubig galing sa lawa.
Kapag masundan pa umano ng isang kahit di kalakasang lindol ay tiyak babagsak ang nasabing Lake Maughan.
Bandang alas-7 ng umaga kahapon ng muling maramdaman sa General Santos ang malakas na aftershocks dahilan para mawalan ng kuryente.
Ilan naman sa mga residenteng Muslim ang nagpaputok ng kanilang baril sa bahagi ng General Santos City at Cotabato bilang bahagi ng kanilang nakaugalian na salubungin ng bala ang ganitong uri ng kalamidad.
Inihayag naman ni Phivolcs Chairman Raymundo Punongbayan na higit na peligroso ang lindol kung tumama ito sa Metro Manila dahilan karamihan sa sinalantang lugar ay mga rural areas ng Central Mindanao.
Kaagad nang ipinag-utos ni Defense Secretary at NDCC Chairman Angelo Reyes base na rin sa direktiba ni Pangulong Arroyo ang pagkakaloob ng tulong sa mga naapektuhang komunidad.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Pangulo sa pamilya ng mga nasawi sa naganap na kalamidad.
Ayon sa Presidente, sa darating na araw ng Linggo ay personal niyang bibisitahin ang mga biktima ng lindol. (Ulat nina Joy Cantos, Rose Tamayo, Teng Garcia, Boyet Jubelag at Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended