Sinabi ni Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na walang katotohanan ang report na kinausap ni Pangulong Arroyo ang mga senador at kongresista hinggil sa posibleng kapalit ni Alvarez. Batay sa report, kinokonsidera umano ng Malacañang si dating Marikina Mayor Bayani Fernando na maging DENR secretary.
Hindi pa nakukumpirma ng CA ang appointment ni Alvarez dahil maraming oppositors. Pero, sinabi ni Tiglao na patuloy na umaasa ang Pangulo na kukumpirmahin ang appointment ng DENR secretary. Bukod sa DENR, kumpiyansa rin ang Pangulo na makakalusot sa CA ang appointment ni Transportation Sec. Pantaleon Alvarez. (Ulat ni Ely Saludar)