Magugunitang tumanggi ang mga dating abogado ni Estrada na ibigay sa mga itinalagang abogado mula sa Public Attorneys Office (PAO) ang mga dokumentong hawak ng mga ito.
Lumalabas umano na hindi pa talaga tuluyang pinapatalsik ng dating pangulo ang serbisyo ng mga ito dahil patuloy pa rin silang nakikialam sa mga kasong nakahain sa Sandiganbayan.
Samantala, hindi umano kuwalipikado si Estrada na maging kliyente ng PAO dahil may kakayahan itong magbayad ng serbisyo ng private lawyers.
Nabatid kina Attys. Silvestre Mosing at Joefferson Toribio, ipadidis-qualify nila bilang kliyente si Erap dahil nakapaloob sa alituntunin ng PAO na hindi dapat tulungan ng mga pampublikong abogado ang mga akusadong hindi naman naghihirap.
Pero nilinaw ni Toribio na walang magagawa ang mga abogado ng PAO kung igigiit pa rin ng Sandiganbayan ang kanilang appointment.