Nag-resign na mga abogado tanggalan ng lisensiya - Beltran
March 2, 2002 | 12:00am
Hiniling naman ni Bayan Muna Rep. Crispin Beltran na tanggalan ng lisensiya ang mga nagsilbing abogado ni Estrada dahil sinisira ng mga ito ang judicial process ng bansa at lumalabas na hindi na iginagalang ng mga ito ang korte. Bagaman at pormal nang nagsipagbitiw bilang mga abogado ng ay patuloy pa rin namang ipinagtatanggol ng mga ito si Estrada kapag ini-interview ng media.
Magugunitang tumanggi ang mga dating abogado ni Estrada na ibigay sa mga itinalagang abogado mula sa Public Attorneys Office (PAO) ang mga dokumentong hawak ng mga ito.
Lumalabas umano na hindi pa talaga tuluyang pinapatalsik ng dating pangulo ang serbisyo ng mga ito dahil patuloy pa rin silang nakikialam sa mga kasong nakahain sa Sandiganbayan.
Samantala, hindi umano kuwalipikado si Estrada na maging kliyente ng PAO dahil may kakayahan itong magbayad ng serbisyo ng private lawyers.
Nabatid kina Attys. Silvestre Mosing at Joefferson Toribio, ipadidis-qualify nila bilang kliyente si Erap dahil nakapaloob sa alituntunin ng PAO na hindi dapat tulungan ng mga pampublikong abogado ang mga akusadong hindi naman naghihirap.
Pero nilinaw ni Toribio na walang magagawa ang mga abogado ng PAO kung igigiit pa rin ng Sandiganbayan ang kanilang appointment.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended