Partikular na sinita ni Associate Justice Leonardo de Castro si Atty. Raymond Fortun dahil sa ipinahayag nito sa isang radio interview na "tamaan na sana ng kidlat" ang mga mahistrado ng Sandiganbayan.
Ayon kay de Castro, hindi dapat ganoon ang pahayag ng isang abogado na kasapi ng Integrated Bar of the Philippines. Mali umano na sabihing hindi parehas ang Special Division sa depensa dahil kung tutuusin ay napakaluwag ng korte para sa depensa.
Sinabi ni acting Presiding Justice Minita Chico-Nazario, chairperson ng Fifth at Special Division na maraming desisyon ang Sandigan na pumapabor sa mga Estrada taliwas sa pahayag ng depensa.
Kabilang na dito ang pananatili nina Estrada at anak na si Jinggoy sa Veterans hospital sa kabila ng petisyon ng prosekusyon na ilipat na ang mga ito sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna.
Kahapon ay pormal na tinanggap ng Special Division ang kanilang pagbibitiw.