Pagsibak ni Erap sa mga abogado palabas lang daw
March 1, 2002 | 12:00am
Naniniwala si Senate President Franklin Drilon na bahagi lamang ng isang "palabas" at estratehiya ang ginawang pagsibak ni dating Pangulong Estrada sa kanyang mga abogado upang makuha nito ang simpatiya ng taumbayan at lumitaw siyang kawawa.
Ayon kay Drilon, ang binitiwang pananalita ni Estrada na wala na siyang tiwala sa ating hustisya ay isang self-serving na pananaw mula sa isang dating lider ng bansa gayung alam niyang umiiral ang hustisya dito na naging saligan ng ating demokrasya.
Pinabulaanan naman ni Atty. Raymond Fortun, dating abogado at kasalukuyang spokesman ni Estrada na bahagi ng estratehiya ang pagbuwag sa defense panel.
"Wala na pong game plan, kumbaga sa basketball ay thrown out na kami, pinakiusapan lang po ako na maging spokesman pansamantala," pahayag ni Fortun.
Sinabi pa ni Fortun na hindi simpatiya ng publiko ang hinihingi ni Estrada kundi hustisya mula sa Sandiganbayan.
Samantala, lalong maaantala ang paglilitis ng mga kaso ni Estrada dahil sa ginawa nitong pagtanggal sa kanyang mga abogado.
Ayon kay Ombudsman Aniano Desierto, maaaring tumagal ng mula isang linggo hanggang 10 araw ang pagkaantala ng paglilitis dahil kailangan munang mabigyan ng bagong mga abogado ang dating presidente.
Sinabi pa ni Desierto na kailangang protektahan ng korte ang karapatan ni Estrada na makapamili ng kanyang abogado.
Aminado rin si Desierto na may malaking epekto sa pagkakaroon ng speedy trial ang pagbibitiw ng siyam na tagapagtanggol ni Estrada dahil kailangan muling pag-aralan ng papalit na mga abogado ang apat na kasong kinakaharap nito.
Kumbinsido naman si Prosecutor Alex Padilla na kukuha ulit ng bagong abogado si Estrada dahil imposibleng magtiwala ito sa serbisyo ng mga abogado mula sa PAO (Public Attorneys Office).
Kaugnay nito, itutuloy pa rin ngayong umaga ng Sandiganbayan Special Division ang pagdinig sa petisyon ni Estrada na maoperahan sa Amerika.
Pero sinabi ni Atty. Renato Bocar, spokesman ng Special Division na maaari namang hilingin ng mga bagong abogado ni Estrada na ipagpaliban ito upang mapag-aralan ang petisyon. Kung matutuloy ang pagdinig ngayon ay inaasahang unang isasalang ng korte si Dr. Ramon Gustillo, consultant ng Veterans Hospital.
Samantala, handa naman ang mga lawyers ng PAO na ipagtanggol ang dating pangulo sa pangunguna nina Attys. Silvestre Moseng, Jefferson Toribio at Melita Lauron. Pinag-aaralan na ng PAO lawyers ang kaso ni Estrada mula umpisa ng paglilitis.
Inihahanda na rin ng mga dating abogado ni Estrada ang mga papeles na ibibigay nila sa Special Division upang pormal na maipaalam ang kanilang pagbibitiw.
Sa Malacañang, kinalungkot ni Pangulong Arroyo ang naging desisyon ni Estrada na pagbitiwin lahat ang kanyang mga abogado. Pero bagamat nakikisimpatiya, sinabi ng Presidente na hindi naman dapat na matigil ang pagkamit ng hustisya. (Ulat nina Malou Rongalerios-Escudero/Rudy Andal at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest