Bentahan ng droga nasa internet na
February 28, 2002 | 12:00am
Talamak na umano ang bentahan ng droga sa bansa at nagsasagawa na rin ng operasyon ang mga sindikato sa pamamagitan ng internet na kung tawagin ay "cybercrime."
Batay sa taunang ulat ng International Narcotics Control Board (INCB) sa isinagawang forum sa Department of Foreign Affairs, ang mga ilegal na droga ngayon ay ibinebenta na sa internet. Dito ay ginagamit ng mga drug dealer ang mga private chat rooms at maging ang mga on-line pharmacies ay nagtitinda ng mga "prescription-only drugs" sa pamamagitan ng kanilang website.
Kabilang pa sa ulat ng INCB ang kalakaran sa ilegal na droga sa Czech Republic na pinag-uusapan "online" sa mga internet cafe at cellphone.
Ang mga kumpanya naman sa Netherlands ay ginagawang venue ang internet sa pagbebenta ng droga.
Natukoy na rin ng mga awtoridad sa United Kingdom ang dumaraming websites na nagbebenta ng ibat ibang klaseng drugs tulad ng marijuana, heroin, ecstacy at cocaine.
Sinabi pa ng INCB na maging sa pagdedeliver at distribusyon ng droga pati na rin sa pag-iwas na matiktikan o maimbestigahan ay gumagamit na rin ng mga modernong teknolohiya ang mga sindikato.
Halimbawa dito ay ang paggamit ng mga encrypted messages ng mga drug trafficking groups upang itago ang mga impormasyon hinggil sa drug shipments at pagsasagawa ng money laundering sa pamamagitan ng electronic transfer. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest