Ayon sa SCRAP, isang multi-sectoral organization na kumakatawan sa aviation industry workers, employees, industry association and business groups, ang PIATCO deal ay magreresulta ng mass lay-off, industrial unrest, dislocation/displacement, aviation industry woes, at unfair and discriminatory trade practices.
Sa apat na pahinang liham sa Pangulo na nilagdaan ng mga opisyal ng SCRAP, sinabi ng koalisyon na, Sec. Pantaleon Alvarez cannot find the solutions to these problems because he is the part of the problem.
Samantala, sinabi naman ni Alex Barrientos, pangulo ng Philippine Air Lines Employees Association (PALEA) at kasapi ng SCRAP, huli na ang paghahabol ni Sec. Alvarez sa pagtalakay pa sa isyu dahil nakapagpasiya na ang koalisyon na isulong na ang nasabing usapin kay Pangulong Arroyo.