Base sa rekord ng Department of Foreign Affairs (DFA), mula sa bilang na 436 noong mga nakaraang taon ay tumaas ito sa mahigit 460. Nahaharap dito ang 33 sa capital punishment samantalang ang iba namay matagal ng nagseserbisyo sa loob ng kulungan dahilan sa mga minor offenses."
Ang mga ito ay nakakulong sa Saudi Arabia, Bahrain, Jordan, Kuwait, Libya, Qatar at United Arab Emirates.
Ayon sa naging panayam kay DFA spokesman Victoriano Lecaros, mas mataas umano ang bilang ng mga Pinoy na nakakulong sa Riyadh at Jeddah ng bansang Saudi Arabia na mahigpit na ipinapatupad ang parusang kamatayan o pagpugot ng ulo ng mga bilanggong lumabag sa batas ng Sharia Court.
Noong buwan ng Nobyembre, walong mga OFWs rin ang inaresto ng mga awtoridad sa Kuwait sa kasong umanoy pagpaslang sa isang Canadian Airforce technician noong Oktubre 10 at anim dito ang kinilalang sina Noraisa Esick, Jaime Binuya, Teddy Tomaro, Rosalia Baglig at Mary Jane Bitos. Ang mga ito ay kasalukuyang nakakulong sa Sulaiba Central Jail ng nasabing bansa.
Samantala, muli namang umapela ang mga kasapi ng Philippine Missions sa M.E. sa mga lider ng Islamic countries para sa kapatawaran ng 33 Pinoy na nahaharap sa parusang kamatayan.
Umaasa ang mga ito na mapapatawan ng royal cle-mency ang mga nasabing bilang ng mga bilanggo sa pagtatapos ng Hajj pilgrimage sa Mecca.
Base naman sa ulat ng Philippine Embassy sa Jeddah, may 41 OFWs na ang nakabenipisyo ng royal clemency" o pardon sa kautusan na rin ni King Fahd ng Saudi Arabia kung saan ang 29 sa mga ito ay pawang mga kababaihan at 12 ang kalalakihan na pawang nagkasala ng mga minor offenses." (Ulat ni Rose Tamayo)