Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-16 anibersaryo ng EDSA People Power I, sinabi ng Presidente na ang EDSA 3 na kanyang inilunsad ay hindi kasing dramatiko ng EDSA I at hindi rin kasing ningning ng EDSA Dos.
Sa bagong himagsikang ito laban sa kahirapan, sinabi ng Pangulo na kailangang tumulong ang nakaririwasa sa buhay para mahango sa karalitaan ang maraming Pilipino.
Bilang pangako, sinabi nito na ang commitment niya para sa EDSA 3 ay ang pag-alis ng katiwalian sa gobyerno at malinis at matapat na paglilingkod.
Para naman sa mga manggagawa sinabi ng Pangulo na kailangang repasuhin ang hinihingi nilang mataas na sahod. At ang lahat na mamamayan ay dapat anyang magtanong sa kanilang sarili kung anong tulong ang magagawa naman nila sa gobyerno at hindi lang paghingi ng benepisyo at ayuda para sa kanilang sarili.
"Magtulungan tayo para labanan ang kahirapan. Ito ang ating bagong pakikibaka. Tulungan ninyo ako sa pakikibakang ito," pahayag pa ni Pangulong Arroyo. (Ulat ni Lilia Tolentino)