EDSA rites nilangaw
February 26, 2002 | 12:00am
Mangilan-ngilan at mabibilang lamang ang mga nakiisa sa pagdiriwang kahapon ng pagdaos ng ika-16 anibersaryo ng EDSA People Power I bunsod na rin ng mahigpit na seguridad na ipinatupad ng mga awtoridad.
Sa ginanap na simpleng seremonya na dinaluhan nina Pangulong Arroyo, Manila Archbishop Cardinal Sin at mga dating Pangulong Aquino at Ramos, kapuna-punang wala na ang malawakang rally na ginanap ng mga militante at mas marami pa umano ang mga vendor na naroon sa paligid ng EDSA shrine.
Nauna nang binawalan ni Manila Auxilliary Bishop Msgr. Soc Villegas ang mga ralista na huwag gumawa ng mga political activities sa harap ng EDSA monument.
Dahil dito, napilitang humanap ng ibang mapagdadausan ng kanilang demonstrasyon ang mga militante.
Matatandaan na noong mga nakalipas na anibersaryo ay dinaragsa ng mga tao ang mga nasabing pagdiriwang, ngunit kahapon malinaw na wala ng interesado pang makilahok sa dahilang wala rin naman umanong pagbabagong nararamdaman ang sambayang Pilipino.
Idinepensa naman ito ng Palasyo sa pagsabing kahit kaunti lang ang taong dumalo, hindi mahalaga ang seremonya kundi ang programa sa mahihirap. (Ulat ni Jhay Mejias/Joy Cantos at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended