^

Bansa

Pagdiriwang ng EDSA 1 gagawing simple

-
Walang makikitang garbo o luho sa paggunita ngayon ng ika-16 anibersaryo ng 1986 EDSA People’s Power 1 revolution.

Sinabi ni Presidential spokesman Rigoberto Tiglao, magiging simple lang at hindi lilitaw na piyesta ang pagdiriwang ng EDSA 1 na pangungunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sabi ni Tiglao, tulad ng pagdiriwang ng EDSA 2 ay magiging simple lamang dahil ang pangunahing layunin dito ay gunitain ang kasaysayan at magkaroon ng pagkakaisa ang buong sambayanan.

Kasama ni Arroyo sina dating Pangulong Corazon Aquino at Fidel Ramos sa isasagawang pang-umagang programa sa People power monument sa EDSA sa pagtataas ng bandila.

Samantala, kinansela ni Arroyo ang kaniyang urban poor visit sa Taguig at sa halip ay magtutungo ito sa paglulunsad ng Ahon Kabuhayan project ng Ginintuan at Makabayang Alay Foundation na gaganapin sa Old Balara, Quezon City.

Mula sa Balara babalik si Arroyo sa EDSA para sa panghapong palatuntunan at dito siya magbibigay ng mensahe sa sambayanan kaugnay ng nasabing pagdiriwang. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

AHON KABUHAYAN

BALARA

ELY SALUDAR

FIDEL RAMOS

GININTUAN

MAKABAYANG ALAY FOUNDATION

OLD BALARA

PANGULONG CORAZON AQUINO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

QUEZON CITY

RIGOBERTO TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with