RAM mananatiling kalaban ng gobyerno sa corruption

Iginiit kahapon ni Senador Gregorio Honasan na patuloy na magiging ahente ng reporma ang itinatag niyang Rebolusyonaryong Alyansang Makabayan (RAM) partikular sa pakikipaglaban sa corruption sa pamahalaan.

Sinabi ni Sen. Honasan, mananatili ang RAM na mata at tenga ng mamamayan upang labanan ang corruption sa pamahalaan at patuloy din itong magbabantay para maipatupad ng gobyerno ang mga programa nito.

"With its interesting 16 year history, the RAM shall remain firmly committed to support all government programs that will bring serious economic development to the Filipino people and it shall be an active agent of reform in the government," wika pa ni Honasan.

Aniya, sinusuportahan din ng RAM ang pagkakaroon ng mabilis na proseso para sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at MILF at National Democratic Front (NDF). (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments