Ito ang reaksyon ni Senador Luisa Ejercito Estrada, sa mga binitiwang pangako ni Arroyo sa mga mahihirap tuwing magpupunta sa squatters area.
Pinayuhan ni Estrada si Arroyo na itigil ang panloloko sa mahihirap dahil hindi mangyayari ang pangako nitong maglalaan ng malaking badyet sa social services at lilikha ng hanapbuhay.
"Paano matutupad ni Mrs. Arroyo ang pangako nitong lumikha ng hanapbuhay at paunlarin ang kabuhayan kung binawasan, sa halip na itaas ang public spending sa labor-intensive sectors tulad ng socialized housing at rural infrastructure. Walang laman ang pangako niya na layunin na paasahin lamang ang mahihirap na magkaroon sila ng magandang kabuhayan sa ilalim ng administrasyon ni Arroyo" giit ni Senador Estrada.
Samantala, nagbabala si Senator Teresa Aquino Oreta na madadagdagan ang bilang ng walang hanapbuhay sa ating bansa kundi kikilos si Arroyo na mapigilan ang pagbabawas ng dayuhang manggagawa sa anim na bansa.
Sa nakalap na impormasyon ni Oreta, nagbabalak magbawas ng OFWs ang bansang US, Saudi Arabia, Kuwait, Bahrain, United Arab Emirates at Qatar. (Ulat ni Rudy Andal)