^

Bansa

Petisyon ni Benipayo hinarang ng Comelec commissioners

-
Iginiit kahapon ng mayorya ng mga commissioners ng Commission on Election (Comelec) sa Supreme Court na ibasura nito ang inihaing petisyon ni Comelec Chairman Alfredo Benipayo kaugnay sa pagkuwestiyon nito sa kontrata ng naturang komisyon sa Photokina Marketing Corp.

Sa apat-na-pahinang manifestation nina Comelec Commissioners Luzviminda Tancangco, Rufino Javier, Ralph Lantion at Mehol Sadain, sinabi nito na dapat balewalain ng SC ang petisyon ni Benipayo dahil wala itong ligal na pag-aapruba ng Comelec en banc.

Matatandaan na nag-utos si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Ma. Luisa Quijano-Padilla na ipatupad na ng Comelec ang programa sa ilalim ng Voter’s Registration and Identification System (VRIS) kung saan ay ibinibigay ang naturang kontrata sa nanalong bidder, ang Photokina.

Subalit humingi ng saklolo si Benipayo sa Korte Suprema kung saan ay hiniling nito na pigilin ang naging kautusan ni Judge Padilla dahil ito umano’y iligal.

Naging dahilan naman ito para kumilos ang grupo ni Tancangco sa pagsasabing walang ligal na basehan ang ginawa nina Benipayo dahil hindi sumang-ayon sa kanyang panukala ang mayorya ng mga commissioner.

Ibinigay ng Comelec ang kontrata sa Photokina para sa VRIS program noong Oktubre 3, 2000 makaraang magwagi sa bidding ang naturang kumpanya.

Ang VRIS ay binuo ng Comelec noong panahon ni dating Comelec Chairperson Harriet Demetriou upang masiguro na malilinis ang listahan ng may 35-milyong mga botante sa buong Pilipinas. (Ulat ni Grace Amargo)

BENIPAYO

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

COMELEC CHAIRPERSON HARRIET DEMETRIOU

COMELEC COMMISSIONERS LUZVIMINDA TANCANGCO

GRACE AMARGO

JUDGE MA

JUDGE PADILLA

KORTE SUPREMA

LUISA QUIJANO-PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with