Ayon sa Pangulo, ayaw muna niyang magsalita sa anumang may kaugnayan sa 2004 elections dahil mas nais niyang maibuhos ang kanyang buong panahon sa pagganap sa kanyang tungkulin.
Kung balak umanong lumahok sa pulitika ni Davide ay karapatan niya ito.
Ang pahayag ay reaksiyon matapos makunan ng litrato ang mga stickers na nakakabit sa sasakyan sa Cebu kung saan nakasulat ang katagang Davide 2004.
Duda naman si Vice President Teofisto Guingona sa pagpasok ni Davide sa 2004 elections dahil matatapos pa ang termino nito sa Korte Suprema sa taong 2005.
Inihalintulad ni Guingona si Davide kay dating Chief Justice Marcelo Fernan na matapos ang termino sa Korte ay sumabak sa pulitika kung saan ay kumandidatong bise presidente noong 1992 at noong 1995 ay tumakbong senador at pinalad na manalo. (Ulat ni Ely Saludar)