Mawanay ibinalik sa Witness Protection
February 21, 2002 | 12:00am
Matapos pakiusapan ng ilang grupo, muling ibinalik sa Department of Justice-Witness Protection Program (DOJ-WPP) ang pangunahing testigo laban kay Sen. Panfilo Lacson na si Angelo "Ador" Mawanay.
Kinumpirma ni Senior State Prosecutor Leo Dacera, director ng WPP na muling pumayag si Justice Secretary Hernando Perez na maibalik sa WPP si Mawanay alinsunod na rin sa pakiusap ng grupong Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) at ni Mary "Rosebud" Ong.
Kasama din ibinalik sa pangangalaga ng WPP si PNP Narcotics Command agent PO1 Jonathan Morales.
Una nang tinanggal si Ador sa WPP noong Disyembre 2001 dahil sa kaliwat kanang reklamo laban sa kanya ng mga naging kliyente nito sa negosyong cellphone, ngunit agad namang umapela si Ador.
Bunga nito, muling maibabalik kay Mawanay ang mga inalis na benepisyo sa kanya tulad ng pagkakaroon ng monthly allowance mula sa WPP na nagkakahalaga ng P6,000 at P15,000 naman mula sa ISAFP. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended