3 anti-piracy bills pumasa na
February 20, 2002 | 12:00am
Pumasa na sa House Committee on Trade and Industry ang tatlong panukalang-batas na naglalayong labanan ang malaganap na piracy sa bansa na pinaniniwalaang nagpapabagsak hindi lamang sa industriya ng pelikula kundi maging sa ekonomiya ng bansa.
Ang tatlong panukalang-batas ay ang House Bills 3182, 3825 at 3274 na inihain nina Reps. Harry Angpin (Manila), Imee Marcos (Ilocos Norte) at Abraham Mitra (Palawan).
Nakasaad sa HB 3182 na dapat nang amyendahan ang ilang probisyon ng Republic Act 8293 o Intellectual Property Code upang magkaroon ng matibay at komprehensibong estratehiya sa paglaban sa mga kriminal na nagsasagawa ng internet piracy.
Dahil sa pagkakaroon ng digital revolution o mataas na uri ng teknolohiya, nagiging madali ang pagnanakaw ng intellectual property rights sa cyber space.
Ito rin ang dahilan kung bakit nalugi ang software industry ng Pilipinas ng $27.1 milyon na may katumbas na P14 bilyon at nagresulta sa pagkawala ng P170 milyong buwis sa koleksyon ng pamahalaan.
Nakapaloob naman sa HB 3825 ang pagbabawas ng optical media piracy sa pamamagitan ng pagpapalawak sa kapangyarihan ng Intellectual Property Office (IPO).
Ang optical media ay isang pre-recorded o recordable medium o device na sa pamamagitan ng digital information, itoy nakapagtataglay ng sounds, images o kumbinasyon ng dalawang nabanggit.
Kasama rin sa optical media ang ilang disc format at iba pang teknolohiya na ginagamit sa pagbabasa sa pamamagitan ng paggamit ng lens scanning mechanism na nagtataglay ng high intensity light tulad ng laser.
Samantala, layunin naman ng HB 3274 ang pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga gumagawa ng replication and distribution ng mga compact disc (CD), video compact disc (VCD) ng walang kaukulang permiso mula sa copyright holder.
Sinabi ng mga mambabatas na kung hindi pag-iibayuhin ng pamahalaan ang pakikipaglaban sa piracy at magiging kaawa-awa ang industriya ng pelikulang Pilipino na malaki ang naitutulong sa ekonomiya ng bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest