Batay sa nilagdaang petisyon ng 25 empleyado mula sa kabuuang 27 tauhan na pinangangasiwaan nito ay marami umanong kalokohang ginagawa ang kanilang hepe.
Kabilang dito ang umanoy ginagawang motel ang tanggapan kung saan ay nagdadala ng babae sa opisina at ang pamimigay umano ng mga litrato ng Pangulo sa mga Fil-Chinese businessmen na may kapalit na halaga na pawang pinabulaanan ni Carual.
Kasabay nito ay bumuo ng 3-man investigating panel si Cabrera sa pangunguna ni Press Undersecretary Carmen "Tita Ching" Suva. Binigyan niya ng isang linggo ang komite para tingnan ang bigat ng reklamo at ang naging tugon ni Carual upang siyang batayan ng rekomendasyon sa nasabing kaso.
Nilinaw ni Cabrera na ang suspensiyon kay Carual ay habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa kanyang kaso. (Ulat ni Ely Saludar)