Napapaloob ang nasabing programa sa year-end report na naisumite kay Pangulong Arroyo ni Interior and Local Government Sec. Joey Lina Jr. na kasalukuyan ding BJMP chief.
Ayon kay Lina, kasama sa rehab program ang livelihood projects, non-formal education at recreational and religious activities.
Sinabi ni Lina na mayroong 7,855 inmates ang naturuan sa handicraft, food processing, vegetable gardening, animal husbandry, at iba pang programa na maaaring makatulong sa kanila kapag nakalaya na ang mga ito.
"Through the various skills taught, they learn while detained in jails. During the BJMP exhibits, products they made are being sold, a good source of income for them," ani Lina.
At upang mapalawig pa ang kaalaman ng mga inmates, nagsagawa din ng non-formal education na kung saan nakapag-aral ang mga ito sa loob ng bilangguan sa tulong na rin ng Dept. of Education, naturuan ng iba pang skills kagaya ng dressmaking, tailoring, automative repair, soap-making na inisponsor ng non-government organizations na sinuportahan naman ng local government units (LGUs).
Nagtatag din ng "Oplan Decongestion" para sa mga kulungang nagsisikipan na dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga inmates.
At mula sa "Oplan Dakip Balik Piitan", 87 inmates sa 123 na nakatakas mula sa BJMP noong isang taon ay nadakip. (Ulat ni Jhay Mejias)