Counter resolution sa pagpayag na makalabas ng bansa si Erap ihahain
February 18, 2002 | 12:00am
Maghahain ngayon ng counter-resolution sa Kamara ang ilang mambabatas sa pangunguna ng Bayan Muna upang kontrahin ang naunang resolusyon na humihiling na payagang makalabas ng Pilipinas si dating Pangulong Joseph Estrada.
Ayon kina Bayan Muna Partylist Reps. Satur Ocampo, Liza Maza, at Crispin Beltran, hindi dapat pagbigyan ang kapritso ni Estrada na sa Amerika pa magpa-opera ng tuhod.
Nauna rito, isang signature campaign ang inilunsad sa Senado at sa Kamara noong isang linggo na humihiling sa Sandiganbayan na payagan nang magpa-opera ng tuhod sa Amerika si Estrada.
"There is nothing to pity about the ex-President. The solons are urged to show compassion and pity for the ex-President who continues to be babied by the present administration," ani Beltran.
Naniniwala sina Beltran na susuportahan din ng mga mambabatas ang kanilang resolusyon dahil hindi pa naman umano lahat ng kongresista ay lumalagda sa resolusyon ni Rep. Didagen Dilangalen.
Hinamon ni Ocampo si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ipahayag sa publiko na hindi ito pabor na lumabas ng bansa ang pinatalsik na lider.
Dahil sa pagiging tahimik aniya ni Arroyo sa nasabing isyu, lumalabas na nais na rin ng Malacañang na palabasin ng bansa si Estrada kahit hindi pa ito napaparusahan.
"She cant even carry out the Filipino peoples verdict against the corrupt ex-president Estrada," ani Ocampo. (Ulat ni Malou Rongalerios Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended