Kasalang Mikey at Angela gagawin sa Pampanga
February 16, 2002 | 12:00am
Nakatakdang ganapin sa Lubao, Pampanga ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Pampanga Vice Governor Juan Miguel "Mikey" Arroyo at nobyang si Angela Montenegro.
Sa panayam kay Mikey matapos ang pamamanhikan ng First Family sa pamilya Montenegro, napagpasyahang sa Lubao gawin ang kasalan para anya makita ng buong Pilipinas ang kagandahan ng kanilang bayan na siya ring lupang tinubuan ng kanyang inang si Pangulong Arroyo.
Sa isang lumang simbahan sa Lubao gagawin ang seremonya na itinakda sa darating na Hunyo 24.
Bilang regalo sa ikakasal, binigyan ng Pangulo si Mikey ng isang brilyanteng singsing na minana pa niya sa kanyang lola na ibinigay naman ni Mikey kay Angela.
Sinabi ng Pangulo na pang-apat nang henerasyon si Angela sa tumanggap ng naturang regalong singsing. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest