GMA nakiusap sa mga bangko

Pinakiusapan ni Pangulong Arroyo ang mga bangko na magpautang hindi lamang sa mga negosyante kundi tungkulin din nilang tumulong sa mga ordinaryong mamamayan na may problemang pinansiyal.

Sa kanyang lingguhang press conference kahapon, sinabi ng Presidente na tungkulin ng mga bangkong tumulong sa mga nangangailangan ng pondo para gawing puhunan sa negosyo at sa pagbili ng sariling lote at bahay, ngunit kailangan ding babaan ng mga bangkong ito ang ipinapataw nilang porsiyento sa pautang.

"Tama lang silang tumubo pero sa paraang hindi masasaktan ang mamamayan lalo na ang mahihirap," wika ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na nagbaba na ng lending rate ang Land Bank of the Philippines kaya’t inaasahan niyang susunod na ang iba pang mga bangko sa bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments