Gloria namanhikan na para kay Mikey
February 15, 2002 | 12:00am
Ipinagdiwang kahapon nina Pangulong Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo ang Araw ng mga Puso kasama ang pamilya ng kanilang future daughter-in-law na si Angela Montenegro.
Kagabi ay sinamahan ng First Couple ang kanilang anak na si Pampanga Vice Governor Juan Miguel "Mikey" Arroyo para sa tradisyunal na "pamamanhikan" o pormal na paghingi sa kamay ng kanilang mamanugangin at para pag-usapan ang tungkol sa kanilang wedding plans.
Matatandaan na noong nakaraang Disyembre nang i-announce sa publiko nina Mikey at Angela, kapwa 32 anyos, ang kanilang formal engagement at planong magpakasal.
Si Mikey ang panganay na anak na lalaki ng First Couple at kasalukuyang vice governor ng Pampanga, habang si Angela na anak ng businessman leader na si Herman Montenegro ay graduate ng London School of Business.
Ang dalawa na second cousins, ay nagkita noong nakaraang taon sa isang family reunion na ginawa sa Baguio City. Nakatakda ang kanilang kasal sa darating na Hunyo 24. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest